"Wika at Kultura: Ang Ugnayan, Pagkakaiba, at Kahalagahan nito sa Bansa"
Alam natin ang salitang Wika At Kultura, ngunit alam mo ba ang kahulugan nito? pati na rin ang pagkakaiba at koneksyon ng dalawa? Bago ko simulan kung ano ang pagkakaiba at koneksyon nila, talakayin muna natin ang mga salitang WIKA at KULTURA.
Ito ang kahulugan ng mga salita at ang kanilang pagkakaiba. Ang kultura ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. Ang wika naman ay isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakakunawaan at nagkakaisa ang mga tao.
Ang Wika At Kultura ay konektado; Sa pamamagitan ng WIKA ay mas naiintindihan natin ang KULTURA ng bawat isa mga bagay na ating naka-ugalian at nakasanayan, dito nabubuo ang pag respeto sa bawat paniniwala na mayroon ang isang indibidwal.
Binubuo ng wika ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, at kinagawian na mga nagsisilbing pundasyon ng ating kultura. Sa tulong ng wika, ang isang tao ay makapamumuhay nang maayos at maigagapang niya ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran kaya ito ay mahalaga.
0 Comments